Friday, February 21, 2014

Classic Phones Lumalaban Sa Pukpukan Ng Texting At Calls

Ang dami nang mga lumang mobile phones ang pinagbibili sa mga bangketa hinde lang sa metro manila kundi pati na rin sa mga karatig bayan gaya sa cavite. mula sa mga talagang kilalang brand ng celphones hanggang sa mga china made phones at locally made ay maraming mapapagpilian.

sa presyong 200 pesos pataas, hinde ka na lugi lalo pa kung branded naman ang mabibili mo kahit luma at ginamit na ng kung sino-sinong tao at kung ilang beses na bang niluray ng mga kamay ang mga celphones na yun, ayos na rin. para sa mga tao na madali magsawa sa mga gadgets nila, advisable ang bumili sa mga second hand phones.

noong nakaraang linggo bumili ang kasama ko ng nokia 6080 classic mobile phone. maganda pa ang makina nito, basta kung may konting diperensiya o kung medyo sa tingin mo ay bumabagal ang phone mo, laging "reset to factory settings" ang first basic aid dyan. kumbaga, hinde lahat ng napapansin mo sa phone mo eh dapat mo nang ikabahala, kadalasan factory resetting lang ang katapat niyan kahit sa mga high-end phones, kadalasan kasi kung anu-ano ang mga pinaggagawa at pinaglalagay natin sa mga phones natin kaya parang mga utak ng tao na nalilito ang mga gadgets na to.

biglang naglipana sa mga bangketa at sa mga halos lahat ng lugar na ma-tao ang mga nagtitinda ng mga pre-used phones, minsan may mga laptop, broadband stick, mini speakers, chargers, calculator, at kung anu anong samut-sari. malilibang ka sa pagmamasid, pero ingat kayo sa mga mandurukot na sumasalisi sa likod nyo, pati sa mga slashers ng bags, kung saan maraming tao na nalilito, andiyan yang mga tarantadong magnanakaw na mga yan. kaya laging alisto kayo, presence of the mind ang pairalin. activate all your senses.



sa kabilang banda, hinde dapat maging habit ang pagbili ng mga pre-used gadgets, dahil marami kang magiging problema pag nagkataon. ang mga VIRUS, MALWARES, at SPYWARES, andyan yang mga yan sa kaloob-looban ng mga gadgets. the higher your phone's unit model, the higher the risk. kaya lang kami bumibili ng mga pre-used phones sa mga ganyan ay dahil para lang sa pang harabas namin, at sa pag-e-eload. siyempre kung magagamit mo naman ng maayos at matagal, eh baket ka pa bibili ng mas mahal di ba? ang katwiran ko kasi, kahit na maraming brand new phones sa malls na nagkakahalaga ng 300 and above, iba pa rin kung ang phone mo ay branded gaya ng nokia, samsung, ericson, siemens, LG, o alcatel. karamihan pa nga sa mga phones na mura sa malls ay kumpleto na may camera, may wap, may video, may tv, may bluetooth, pero sa experience ko sa mga ganung phones, talo pa rin ang consumers. madaling masira ang phone, madali magluko ang keypad, madali masira ang magandang paraaan ng pag-chacharge, all in all, madali kang mabwiset sa mga bagong labas na phones ngayon na almost "ALL-IN-ONE" ang features.

kung gusto mo ng phone na talagang for enjoyment o pang porma, ayos din na bumili ka ng mga bagong brands ngayon basta yung medyo mataas naman ang presyo. pero sa kagaya ko na mas preffered ko ang classic phones para sa mas madali at mas mabilis na pagtetext at pagtawag, doon ka na lang sa mga mura pero branded units. marami kaming brand ng phones, yung iba for enjoyment ng technology ang purpose namin pero sa maniwala kayo o sa hinde talagang pagdating sa pukpukan ng bilis sa texting, classic phones ang gamit namin, kahit sa mga travels, wow, super convenient ang pagtetext at calls. aminin nyo dudes and dudettes, di ba kapag may kausap kayo sa phones nyo nakakadagdag ng pagka-asar nyo ang sobrang arte ng high end phones nyo? sa halip lumamig ang ulo nyo, dagdag pa sa problema yung hinde kayo makapag text at makatawag sa mabilis at simpleng paraan. at isa pang disadvantage ng high end phones, nakakatakot gamitin sa public places, hinde mo tuloy masyado maenjoy to the highest level ang gadgets nyo kasi baka any moment eh biglang haltakin ng mga masasamang tao sa kalye. mitsa pa ng buhay nyo, wag naman. knock on wood.

isa pa pala sa gusto kong ipaalala para sa mga nagbabalak bumili ng mga pre-used phones, bumili po sana kayo ng Lysol yung sprayable, para disinfected po ang gadgets nyo. kahit naman sarili nyong phones na binili nyo ng brand new sa malls sa katagalan ng gamit nyo eh nadudumihan din po ang mga ito dahil sa pawis ng mga kamay, o sa paghawak at pag-gamit sa mga ito kahit hinde pa kayo naghugas o nag-alcohol ng kamay.

lastly, this is an ever-moving world of technology, lahat ng gamit ng tao ay tumataas ang level at kalidad almost every month. pero hinde masama kung meron din tayong reservations for simpler lifestyle.
simple gadgets, for simpler use, easier, faster movement. after all, masarap makipag karerahan sa pagsesend at pag receive ng texts habang kumakain ng paborito mong snacks, don't you think so?..

No comments:

Post a Comment