Friday, February 21, 2014

Florida Bus Nightmare Liner

maniniwala ba kayo sa palusot ng driver ng Florida Bus na kaya daw naaksidente ang bus na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming pasahero at ikinasugat pa ng iba ay dahil diumano sa baku-bakong kalye at maraming bato na mga nakakalat sa daraanan ng bus? ang tanong, baket sa dami ng mga dumadaang bus sa naturang lugar, bakit yung bus ng florida na minamaneho niya ang tanging naaksidente ng araw at oras na yun? at isa pang malaking tanong, hinde ba alam ng damuhong driver na ito na expected dapat ng mga katulad nyang driver na ang biyahe ay hinde laging smooth as cottoncandy? baka hinde ito tunay na lisensyadong driver at ganun katanga ang hinayupak na florida bus driver na to.

hinde na maibabalik ang buhay ng mga nasawi, maging ang mga tao na naospital at naoperahan na dumanas ng pasakit ay isang bangungot para sa mga pasaherong naging biktima ng florida bus driver na to at ang tanging hustisya na nalalabi para sa mga biktimang pasahero ay papanagutin ang florida bus driver na ito sampu ng mga walang puso at mandarambong na mga namamahala sa bus company  ng florida bus. sa latest news, pinagtatanggal diumano ng florida ang lahat ng plaka ng mga bus nila kahit pa sinabihan silang ang mga authorised personnel ang dapat na gagawa niyon. isang patunay na guilty ang management ng florida bus, siguradong halos lahat ng mga bumibiyaheng bus nila ay KOLUROM gaya ng bus na naaksidente, na natuklasan na KOLUROM pala.

kapag ganito katarantado ang mga tao sa isang bus liner, magtitiwala pa ba kayo? sasakay pa ba kayo sa mga bus ng florida bus? kapag ginawa nyo yan, para na rin kayong tumalon sa BANGIN. mula sa management hanggang sa pinaka mababang ranggo ng worker sa bus ng florida, masasalamin natin na ang mga tao sa bus company na ito ay hinde nagpapahalaga sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga pasahero. walang importante sa mga yan kundi ang kumita ng malaki sa bawat biyahe kung kaya ang ginagawa nila ay sobrang mabilisang biyahe kahit pa siguro wala sa tamang kaisipan at mabuting kundisyon ng katawan. kaya nga kung mapapansin nyo, kung saan saang mga lugar sila kadalasan humihinto para mag-pick up ng mga pasahero. kahit pa siguro sa gilid ng bangin nakatayo ang isang estranghero basta mukhang sasakay, papara at papara yang mga yan, kahit pa mangahulugan ito ng pagdausdos pababa ng bus na minamaneho ng mga ito.

may masamang karanasan din kami sa driver at sa kundoktor ng florida bus, noong december 30, 2013 ng umaga sa probinsiya ng isabela. galing kami ng maynila, pero dahil may tinutuluyan kami sa isabela, naturalmente na manggagaling kami ng isabela papunta sa nueva viscaya. papunta kami nun sa Dupac, at dahil hinde namin kabisado ang lugar at nagkataon pa na medyo makulit ang aming tatay tungkol sa mga pagtatanong ng tamang direksiyon, pilit kaming pinababa ng kundoktor at ng florida bus driver sa isang lugar na sobrang layo sa mga pwedeng masakyan. yung driver ng florida bus ay sobrang mataas ang boses na sinisigawan kami pati ang tatay namin na more than 70 years old. hinde man lang ginalang ang aming tatay, parang kawawa na parang pagong na inalalayan namin ang aming tatay pababa sa florida bus. hanggang sa nakababa na kami sa kalye ay nadidinig pa rin namin ang malakas na bulyaw at kayabangan ng florida bus driver at ng kundoktor nito. hinde namin alam kung manilenyo ang florida bus driver at yung kundoktor nya, o kung isang PROBINSIYANO ba na parang lumobo yata ang ulo sa sobrang hangin sa kayabangan ng mga yun sa pagkakatuntong sa maynila.
ang florida bus ay paroo't parito sa maynila, kaya hinde mo agad ma-didistinguish kung ang mga driver ba nila at kunduktor ay likas na taga maynila o taga probinsiya. siguro magkakaroon ka lang ng idea kung pagmamasdan mo sa kulay at kinis ng balat, sa facial features, sa punto ng salita, at sa paraan ng pakikipagkapwa-tao.

sabi nga ng mga kakilala namin, isa sa dahilan kung kaya hinde sila sumasakay sa mga bus ng florida ay dahil nakikipagkarerahan ang mga drivers nito sa lahat ng mga nasa daan. pakiramdam nila the faster they go, the better they grow in business. kung tutuusin, hinde kailangan ng mga pasahero ang speed kung ang kapalit naman ay kapahamakan at aksidente. ayos na ang balanced speed, hinde sobrang bagal pero hinde rin sobrang bilis. MOST FLORIDA BUS DRIVERS AND CONDUCTORS ARE RUDE AND INCOMPETENT. THEY VALUE YOU ONLY AS THEIR SOURCE OF INCOME, NOT AS THEIR RESPONSIBILITY. kung ano man ang pagdadaanang mga kaso ng florida bus management and staffs ngayon, they just rightfully deserve it. yan ang resulta ng mga pinag-gagagawa nila. period!

No comments:

Post a Comment