Friday, February 21, 2014

Liempohan Ng Pandaraya

Kung kayo ay bibili ng liempo, inihaw o litsong manok mas mabuti kung lagi nyo itong bibilhin sa paraan na HINDI TINATADTAD. Huwag na huwag nyong ipapa-chop chop kahit pa ang tindahan na bibilhan nyo ay mga kilala dahil ang mga workers o choppers ng mga liempo ay mga mandurugas, may paraan sila ng pandaraya na kung tawagin nila ay "pitik".

Ang "pitik" ay ang pag tapon o paghagis ng chopping knife sa mga piraso ng tinatadtad nilang meat partikular na ang mga baboy o PORK LIEMPO. Mas madali sa mga workers ang makapandaya kapag pork dahil kudrado ang slice ng mga karne. Sa isang simpleng paraan ng galaw at bilis ng kamay ay nagagawang maihagis o maihulog sa maliit na butas ng chopping board ang mga piraso ng meat.

Naitanong ko sa worker kung bakit may butas sa ibabaw ng mesa o chopping board, sabi ng nagkwentong worker yun daw talaga ay sinadya sa lahat ng mga stalls hindi lang sa tindahan nila, dahil lahat daw ng mga maliliit na piraso ng meat ay doon dapat mahulog para hindi maging makalat. Pero ginawa na iyon na "kagamitan" para sa pandaraya.

Sabi ko sa worker, "paano mo naman yan natutunan? paano kung mahuli ka ng supervisor o ng manager nyo?"  natawa lang yung worker na nagbunyag ng pandaraya. Hindi daw sya matatanggal dahil yun daw mismong supervisor pa nila ang nagturo sa kanila ng ganung istilo. Ibig sabihin, sadyang tinuruan ng supervisor ng ganung pandaraya ang mga subordinates nya para siya man ay malayang makapagnakaw at makapandaya.Sa madaling salita, pare-pareho silang matatanggal sa trabaho nila kung sakali isa man sa kanila ang pumiyok o sumipsip sa may-ari ng liempohan.

Isa pa sa tips na binunyag ng worker ay kung paano malalaman ang sariwa at bagong luto na pork o chicken. Sa pork, malalaman mong bago ito kung ang TABA o FAT ay makapal pa at MAPUTI at hindi makunat pag nginuya ang karne. Dahil ang mga lumang pork ay kabaligtaran niyan, ang FAT ay manipis na at nangingitim ang buong meat dahil sa paulit-ulit na kakainit. Ang chicken naman ay ganun din, maitim at matigas na. hindi na makatas. Kung minsan parang sumasarap lang siya kapag nalagyan mo na ng sarsa.

Libre naman daw talaga sa workers ang mga tikim-tikim sa iniihaw nilang mga meat, ang purpose nun ay para matantiya nila kung okey na ang pork o chicken. Pero Kadalasan labis ang ginagawang "pag-tikim" ng workers na sa kinatagalan ay nilulugmok na ang kanilang mga sarili sa kasalanan ng pandadaya sa kapwa.

Naalala ko noon yung kasama ko ang nanay ko at bumili kami ng pork liempo sa Mall. Sabi ko sa worker " ay sir, sana hindi nyo chinap"! Sagot ba naman nung worker "kasi po SOP sa amin na ichop kasi talagang ang liempo china-chop" Napatunganga ako, hindi ko alam kung BOBO itong worker na ito o nagpapalusot para makapang-"pitik". May policy bang ganun???? Nasa pasya ng customers kung chopped ang gusto nila sa binili nila, o kung gusto nilang BUO ang meat. Hinde na kami nakipagtalo pa ng nanay ko sa worker ng LIEMPOHAN, katwiran namin sa isip namin makakarma rin itong mga mandurugas na to.

Back to the present, mas malaki rin daw ang tyansa na bago ang mabibili nyong liempo kung friday, saturday at sunday kayo bibili. Ahh, maaari nyong maitanong kung gaano kapanipaniwala ang credibility na 100 percent totoo ang mga pagbubunyag na ito... Kamag-anak po ang worker na ito ng aking very very close buddy. This guy is her cousin. At dalawa sila ng elder brother niya na nagwork sa liempohan. At ang liempohan na ito ay may maraming branches at may ads din sila sa internet. Yun lang po...


No comments:

Post a Comment