Friday, February 21, 2014

Mahal Kong Maynila Inaabuso Ka Na

Tama ang sinabi ni Richard Gomez, na nabasa ko sa artikulo ni Lolit Solis, hindi dapat pinapayagan ang mga taga probinsiya na basta-basta na lang pupunta sa Metro Manila, dahil simula pa lamang ng mga naunang dekada at siglo napakarami na talagang mga taga probinsiya ang nanirahan at nagparami ng populasyon sa Lungsod ng Metro Manila. Tuwing may mga kalamidad, tuwing may kaguluhan, tuwing may mga kung anu-anong personal at pang pamahalaang suliranin lagi na lang sa Metro Manila ang tinatakbuhan ng mga taga probinsya. Pati mga pangarap nila, dito na rin sa lungsod na ito nila isinasalalay.
pati mga kriminal, dito rin nagtatago at tumatakas.

Kung inyong mapapansin, nasasakop na tayo ng mga taga probinsiya! wala nang lugar sa Metro Manila ang hindi mo kakikitaan ng kung sinu-sino at kung anu-anong mga klase ng mga dayo. Sa mga Malls, sa mga kalye, sa mga simbahan, sa mga paupahan, sa mga palengke, sangkatutak ang mga dayo. Kung tutuusin napakarami nang mga dayo ang nanggagaling doon pa lang sa mga karatig bayan, o kung tawagin ba ay "PROVINCES OF MANILA", at etong mga taga P.O.M. na eto ay mula sa mga lugar na hinde sentro ng Maynila gaya ng Batangas, Laguna, Nueva Ecija, Cavite, Bataan, Zambales, Pampanga.

Sobrang napakabait ng pamahalaang lokal ng Metro Maynila at hindi sila gumagawa ng batas na LIMITAHAN o tuluyan nang huwag payagan pa ang pag "migrate" ng mga taga probinsya dito sa lungsod na ito, kung kaya naman sinasamantala at INAABUSO at winawalanghiya na lang ang ating lungsod ng mga kung sinu-sinong dayo at ang masama pa, etong mga dayo na ito ang dahilan kung bakit hindi na masyadong maganda at ligtas ang pamumuhay sa Metro Maynila. Ang mga dayo na ito rin ang tunay na sanhi ng mga basura at kalat sa buong Metro Manila. Silang mga dayo rin ang dahilan kung bakit ang mga TRABAHO na para sana sa mga LEHITIMONG taga lungsod ng Metro Manila ay kinukulang at kung minsan ay naagaw pa ng iba. Ang mga dayo na ito ay hindi kapakipakinabang sa lungsod na ito kung mas marami pa sila kaysa sa mga TUNAY na taga Metro Manila, at panahon na para maging mahigpit ang mga opisyal ng Metro Manila tungkol sa patuloy na pagdayo ng mga taga probinsiya sa lungsod na ito.


Kung gusto nilang tumakas sa mga suliranin ng kani-kanilang probinsiya, marami pong lugar sa pilipinas ang dapat ninyong puntahan at huwag pong lagi na lang sa Metro Manila ang tinatakbuhan nyo. TAMA NA! SOBRA-SOBRA na ang populasyon niyo sa lungsod namin, napakatagal nang panahon simula pa ng inyong mga ninuno ay lahat na lang ng taga probinsya ay dumadayo na sa Metro Manila, ibang lugar naman ang puntahan nyo, doon kayo manirahan kung gusto nyo pero HUWAG NA HUWAG na sa lungsod ng Metro Manila.

Kailangan rin namang unahin ng pamahalaang lokal ang kapakanan ng mga tunay na dugong Manilenyo. At gaya sa isang mag-asawa, nararapat lamang na unahin nilang mapakain, mabihisan, mapag-aral, at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga supling; at hindi yung anak ng may anak ang kanilang laging iniintindi. Parang ganyan rin ang Metro Manila. Hayaan nyong ang mga kani-kanilang pinuno at opisyal ang mangalaga at magbigay sa kanila ng kabuhayan, kaayusan, edukasyon, at kabuhayan sa kanilang mga probinsya. Kaya nga may mga inihahalal ang mga mamamayan, upang sila ang tumugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan nila sa probinsya nila, bakit pinapasa nila lagi at inaasa sa Metro Manila ang kinabukasan ng mga kababayan nila?!




www.hypersmash.com

No comments:

Post a Comment